Balatkayo

3 1 0
                                    

Balatkayo

Kaibigan nga ba talaga kita?
Mga ipinapakita mo ba’y tunay?
Nais kong maniwala nang lubusan
ngunit ako’y nag-aalinlangan.

Minsan mo na akong pinagtaksilan,
sinaksak mo ako nang patalikod.
Kaya nawawari ko na isa kang lobo
na nagbabalatkayo bilang tupa.

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon