Kabataan
Aking mga kapwa kabataan,
Iyo sanang pakinggan
Ang tula kong para sa atin.
Sana’y isapuso ang aking mga sasabihin
At isa-isip ang bawat salitang bibitawan.May napapansin ka ba?
Mulat pa ba ang iyong mga mata?
Nakikita mo pa ba ang dapat mong makita?
Mga batang napapariwara
At napapasama sa maling barkada.Mga bata sa lansangan:
Naghihirap at namamalimos.
Mga batang nagkakasala:
Malaking krimen na ang nagagawa.
Nasaan na ba ang mga magulang nila?Mga batang nalululong na:
Sa droga na kumakapit.
Sila’y biktima ng mga matatanda
At sa kalokohan sila’y ginagamit.
Nasaan na ang sariling karapatan?Mga batang naimpluwesiyahan
Sa mga gawaing hindi maganda
Dahil napabilang sa maling barkada.
Hindi na rin pumapasok pa
At tuluyan nang huminto sa pag-aaral.Isa ka ba sa mga ito?
Sana naman ay hindi.
Paano na ang sinabi ni Jose P. Rizal:
“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”
Kung tayo naman ang problema?May mga rason naman ‘di ba?
Ito ba ang sisira sa mga pangarap natin?
Hahayaan na lang ba nating ganito?
Ibababa na ba ang bandila
Dahil sumusuko ka na?Tayo’y may mga sariling pangarap.
Pangarap na gustong tuparin.
Isang pangarap na mula pa pagkabata.
Pangarap na nais nang makamtan
Na ating pagsisikapang abutin.Tayo ang mga kabataan,
Ang pag-asa ng bayan.
Ipakitang tayo ay karapat-dapat.
Buksan ang mga tainga
At makinig nang husto.Tayo’y mag-aral ng mabuti.
Imulat ang mata sa katotohanan.
Dinggin ang mga payo para sa atin.
Payo ng mga nagmamahal.
Payo na nagmamalasakit sa atin.Pagkakaroon ng disiplina:
Atin sanang isaalang-alang.
Paggalang ay ating pairalin.
Isabuhay ang mga natututunan
At huwag matakot ipakilala ang sarili.Lahat may kakaibang kakayahan.
Lahat may nakatagong talento.
Atin nang ipakita at ipamalas.
Tayo ang mga kabataan,
Hindi natatakot lumaban.Nasa harapan natin ang dapat gawin.
Nasa atin lang ang desisyon:
Mabubuhay sa kasamaan o lalago sa kabutihan.
Alam natin kung ano ang tama
Kaya ito ang ating gawin
Upang sa huli’y walang pagsisisihan.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoesiaMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.