Kumapit Ka Lang
Kumusta ka na aking kaibigan?
Kinakaya mo pa ba ang mga pasanin?
Nakakangiti ka pa rin ba sa harap ng madla?
Nakikipagbiruan ka pa ba sa iba?Kaibigan, alam kung nahihirapan ka
na.
Alam kung nais mo na ngang sumuko.
Ngunit nangako ka na lalaban ka pa.
Manalig at kumapit ka lang sa Kanya.Huwag mong isuko ang laban
bagkus magpatuloy ka pa sa paglalakbay.
Naniniwala akong malamlampasan mo lahat,
lahat ng pagsubok na ibinibigay Niya.Marami ka nang napagdaan
at alam kong marami ka pang pagdadaan.
Matatag ka, maniwala ka kaibigan.
Kumapit ka lang, ika’y ‘di Niya bibitawan.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.