Ika’y Nasaktan
Kumusta ka na kaibigan?
Umaasa akong ayos ka lang,
na wala na iyong sakit
na idinulot ko nang ako’y lumisan.
Ito ako, nagbabalik na.
Tanggap mo pa rin ba ako?
Malakas na sampal ang itinugon mo.
Nasaktan nga kita nang sobra.
Patawad aking kaibigan
sa aking ginawang paglisan.
Nais ko na lumayo muna sa’yo
dahil baka mas masaktan lang kita.
Mas masasaktan ka kapag nakikita mo
ako na nagdurusa’t nahihirapan.
Patawad kong itinago ko sa’yo
na ako’y may dinaramdam na sakit.
Bakit ka ngayon lumuluha?
Ika’y nasaktan ko na naman ba
dahil sa sinabi kong rason ko?
Tahan na, nasasaktan din ako.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoesíaMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
