Hanggang Kailan?
Hanggang kailan aasa?
Aasa na babalik ang dating samahan.
Hanggang kailan maghihintay?
Maghihintay na kayo’y babalik pa.
Nangako kayong hindi mang-iiwan
pero umalis kayong walang paalam
at iniwan akong nag-iisa’t luhaan.
Hanggang kailan ako magiging ganito?
Hinahanap ang presensiya ninyo
ngunit kahit anino n’yo, ‘di ko mahagilap.
Tuluyan na ba ninyo akong iniwan?
At wala kayong balak na ako’y balikan?
Akala ko ba kaibigan ninyo ako
ngunit bakit iniwan ninyo akong nag-iisa?
Hanggang kailan ako aasa at maghihintay?
Sa inyong pagbabalik upang mabuo ulit dati nating samahan.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
