Mahirap Intindihin
“Mahilig ka palang magbasa ng mga tula,”
sabi ng isang taong nagbabasa rin.
“Oo naman, ikaw rin naman ‘di ba?
Pero naiintindihan mo ba ang mga ito?”“Sabihin ko mang oo pero ako’y hindi sigurado
dahil baka ang pang-unawa ko’y iba sa iyo.
Maaari rin na ang pagkaintindi ko
ay iba sa nais ipaintindi ng manunula.”“Parehas pala tayong hindi sigurado.
May mga tulang ang hirap kasing intindihin
dahil sa mga malalalim na salitang ginamit
at maaaring magulo ang pagkakasulat nito.”“Mahirap intindihin? Mahirap nga,
lalo na kung kulang ang iyong kaalaman
ngunit huwag mo sanang isipin na ito’y pang-iinsulto.
Ako’y nakararanas din ng ganyan.”“Siguro nga kulang ako sa kaalaman
pero maaaring mas kulang ako sa karanasan
na tulad sa naranasan ng sumulat ng tula.
Gayunpaman, ako’y may natututunan pa rin.”“Meron at meron talaga tayong matututunan.
Mahirapan man tayong intindihin ang ibang mga tula,
hinding-hindi mababago ang katotohanan
na ang mga tulang ito’y may epekto sa mambabasa.”

BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.