Maaari Ba?

5 0 0
                                        

Maaari Ba?

Ako’y nagsusumamo sa inyo.
Maaari bang itigil n’yo na
ang pananakit sa akin?
Pagod na ang katawan ko.

Maaari bang tumahimik kayo?
Tama na ang pagsasabi sa akin
ng mga masasakit na salita.
Namimighati na ang damdamin ko.

Hindi ba ninyo napapansin?
Hirap na hirap na ako.
Hindi ko na ata kakayanin pa
na tiisin ang pang-aapi n’yo sa’kin.

Tama na ang pang-aapi sa akin.
Nagmamakaawa ako sa inyo,
pakinggan n’yo ang hinaing ko.
Maaari bang pakinggan n’yo na ako?

Ayaw kong dumating ulit sa punto
na buhay ko’y talagang wakasan na.
Kaya maaari bang ‘wag na ninyo
akong apihin at saktan nang paulit-ulit?

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon