Tinik Sa Dibdib
Ako na naman ba?
Ako na naman ang may sala
kahit walang ginagawa.
Mali ko lagi ang nakikita.
Pinapagalitan ako sa lahat ng bagay.
Wala akong kalayaan gawin ang gusto ko.
Pinipigilan at pinahihinto ako.
Lagi na lang akong pinagbabawalan.
Mata ko’y ‘di matigil sa pagluha.
Nahihirapan na ako, sobra.
Nais kong pumikit at ‘di na didilat pa.
Tatapusin ko na lang itong aking hininga.
Itong tinik sa aking dibdib,
nakatarak na’t ako’y sinasaksak.
Piliting mang labanan ang kirot na dulot
ngunit tama na sigurong tiisin ko pa ang sakit.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoesíaMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
