Sakit ng Ulo
Sa gabing madilim,
ang isip ay nag-iisip nang malalim.
Kung anu-anong bagay ang pumapasok sa isipan
kahit na sawa na sa kakaisip.
Di pa ba pagod ang utak?
Paulit-ulit na lang na ganito.
Di makatulog nang maayos
kahit na ito’y ninanais.
Pilitin man pero ang isip ayaw kang patulugin.
Sumasakit na ang ulo.
Iniinda na lang ang kirot
at pinipigilang huwag sumigaw sa sakit
upang mga kasamahan sa bahay ay ‘di magising.
Hanggang kailan ba magiging ganito?
Iyong itatago na lang ang sakit
kahit nais nang ipagsigawan
upang sa gayon, ako’y matulungan.
Pagod na talaga ang utak.
Masakit na ang ulo
pero ‘di pa rin sumusuko sa kakaisip ng mga bagay-bagay.
Lalo lang pinapalala ang kirot na nadarama.
Umabot na sa puntong iuuntog ang ulo
sa paniwalang baka mawala ang sakit.
Nakakatawa, ‘di ba?
Nais mawala ang sakit ng ulo
pero sinasaktan ito?
Parang tanga kung sabihin ng iba.
Oo nga ata, tama sila.
Nakatatakot naman kasing magsabi ng problema.
Baka ika’y husgahan nila at ‘di sila maniwala.
Nag-aalanganin nang sobra
dahil baka lumala lang ang sakit nito...
dahil ang utak ay iisipin na naman
ang mga sasabihin ng mga tao.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
