Nag-iisa Nga Ba?

1 0 0
                                    

Nag-iisa Nga Ba?

Kumusta ka na kaibigan?
Pakiramdam mo ba ngayon
na nag-iisa ka’t walang kasama?
Batid kong iyan ang nararamdaman mo.

Nais mong makihalubilo sa iba
pero natatakot ka, hindi ba?
Kasi baka ika’y pagtabuyan nila.
Masakit kapag nangyari iyon.

Nais mo bang samahan na lang kita?
Tayo na lang ang magsama,
magkawentuhan tayo’t sabay na tumawa.
Masaya iyon kaibigan, ‘di ba?

Alam kong mahirap sa‘yong makisama.
Pero wala namang mawawala
kung susubukan mo, ‘di ba?
Handa akong damayan ka.

Kung pakiramdam mong nag-iisa ka,
manalangin ka sa Kanya.
Lagi Siyang nariyan, batid mo ba?
Kaya kailanma’y hindi ka nag-iisa.

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon