Kaya Ko Pa

1 0 0
                                    

Kaya Ko Pa

Nakikita mo ba ang aking mga mata?
Pansin mo ba ang mga luhang mula rito?
Napapagod na ako, batid mo ba?
Pagod na akong lagi na lang lumuluha.

Kaya ko pa ba talaga?
Hindi ko na alam, ‘di sigurado.
Ninanais na sumuko na sa laban
ngunit may tinig na nagsasabing, “Kaya ko pa.”

Kaya ko pa nga ba talaga?
Ako’y tumingala sa langit.
“Kaya ko pa kasi nandiyan Ka.”
Magtitiwala ako na makakaya ko pa.

Balang araw, malalampasan ko ‘to.
Kakayanin pa ang lahat ng pagsubok
sapagkat may nagtitiwala sa akin
na mananalo ako sa laban na ito.

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon