Payo ni Ina
Nakaupo malapit sa bintana,
tinitignan ang ganda ng kalangitan.
Napangiti ngunit may kasamang luha
nang maalala ang payo ni ina.“Anak, alam ko na matatag ka.
Ano mang pagsubok na dumating
ay batid kong malalampasan mo.
Manalig ka lang sa Panginoon.”Sinabayan mo pa iyon ng iyong yakap,
yakap na ngayo’y aking hinahanap.
Ina, nais kitang mayakap muli.
Sana nandito ka pa sa aking tabi.Ngayon ako’y mag-isa na lang,
nauna kayong lahat sa langit.
Pangako ina, payo mo’y aking isasabuhay.
Pipiliin kong maging matagtag.Ang payo mo ina
ang siyang aking panghahawakan
hanggang sa huli kong hininga.
Ito’y gagawin kong gabay sa aking pamumuhay.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.