Ako’y Ligtas
Paulit-ulit akong nanawagan
na sana ako’y tulungan.
Hindi ako nabigo dahil dumating ka
upang tulungan ang isang tulad ko.
Makasalanan ako, ‘di ko itatanggi.
Nawala ako sa landas
at nalulong sa masamang bisyo,
ito na ang naging buhay ko.
Ngunit ngayon nagsisisi ako,
humihingi ng kapatawaran sa Ama.
Salamat sa’yo... ako’y ligtas na
mula sa kadilaman ng mundo.
Ako’y inilapit mo sa Kanya—
sa Ama na lumikha ng lahat.
Ginabayan mo ako para makilala Siya
at upang Ngalan niya’y purihin.
Ako’y naligtas sa maaaring kahantungan ko
kapag mas nalulong pa ako sa bisyo.
Tunay nga na mabuti ang Diyos
dahil ika’y ginamit niya para iligtas ako.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoesiaMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
