Galit

4 0 0
                                        

Galit

Ginagawa ko ang lahat,
mapigilan lang itong galit ko
kahit na para akong pinapatay.
Hinahayaan ko na lang ito.

Wala bang nakakapansin
sa kirot na aking nadarama?
Kinamumuhian ba nila ako
kaya ‘di nila makitang nahihirapan ako?

Gusto kong manakit ng tao
pero hindi ko magawa.
Gusto kong magsisigaw-sigaw
pero tila ako’y nawawalan ng boses.

Nasasaktan ko na ang sarili ko
dahil sa galit na aking nadarama
na napapalitan na lang ng luha.
Galit ako pero luha ko ang nananalo.

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon