Huwag Mag-alala
Kumusta ka na?
Ayos ka lang ba?
Sigurado ka?
H’wag kang mag-alala,
hindi ka nag-iisa.
Kailangan mo ba ng kausap?
Nandito lang ako.
H’wag kang mag-alala,
makikinig ako.
Pangako, kaibigan.
Huwag kang matakot,
hindi kita huhusgahan
bagkus ika’y aking dadamayan.
Tahan na kaibigan,
magiging maayos din ang lahat.
Hindi man tayo magkakilala
pero ‘wag kang mag-alala,
pakikiramdaman kita.
Tandaan mo ito,
hindi ka nag-iisa.
Magtiwala ka kaibigan,
malalampasan mo rin iyan.
Huwag kang mag-alala
dahil kasama mo Siya.
Kaya mo ‘yan, laban lang!
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
