Binalewala Ako
Grabe ka na kung ngumiti,
walang bahid na lungkot sa’yong mga mata.
Kung tumawa ka rin ay tunay,
kita na ang saya sa iyong mukha.
Ngunit tila nakalimot ka ata.
Napasobrahan ka sa sayang nadarama
at ‘di naisip ang matinding kapalit,
ako na tinatawag na kalungkutan.
Binabalewa mo na lang ako basta
at nagpapakalunod sa saya.
Humanda ka kapag natapos ka na riyan
dahil sa akin ka naman malulunod.
Pinili mong magpakasaya nang lubos,
ngayon tiisin mo naman ang sakit
na dulot ng matinding kalungkutan.
Huwag mo kasi akong binabalewala.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
