Simbolo
Problema’y aking sinasarili
at pilit ko itong ikinukubli
sa pamamagitan ng pagngiti.
Magpapanggap na masaya
at walang pasan na problema
para ‘di lubos na mag-alala ang iba.Darating din ang panahon
na magiging maayos ang lahat
kaya huwag dapat sumuko.
Problemang aking pinapasan
ay unti-unting gagaan.
Basta magpatuloy lang sa laban.Sa madilim na kwarto,
may konting ilaw na nakikita.
Ito’y simbolo ng pag-asa,
pag-asang matatapos ang lahat.
Ang gabi’y matatapos
at sasapit na ang umaga.Ang liwanag na inaasam
ay unti-unting maaabot
kung pipiliing lumaban pa
at ipapakitang ako’y matatag.
Iisiping hindi ako nag-iisa
at may naniniwalang kaya ko pa.

BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.