Kapatiran
Kapatid ang turingan sa isa’t isa.
Ako at ang mga kasama ko’y magtutulungan.
Pagsubok man ay dumating, ‘di kami papatalo.
Ako at sila ay sabay na lalaban.
Tunay na mananaig sa amin ang pagkakaisa.
Ituturing na kapamilya talaga ang bawat isa.
Ramdam namin ang sinumang may problema kaya dadamayan namin siya.
Ang pagmamahalan namin ay ipapakita sa pamamagitan ng gawa.
Nasa amin ang diwa ng kapatiran at ‘di namin hahayaang ito’y mawala.

BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.