Masaya Ka
Ang aliwalas ng iyong mukha.
Tila wala kang problema.
Sa mga mata mo’y kita ang saya.
Ang mga ngiti mo’y puno ng tuwa.
O aking kaibigang tinuring kong kapatid,
Sana manatili ang tuwang iyong nadarama.
Ika’y magpakasaya kasama nila
kahit nais na sana isa rin ako sa kanila.
Ngingiti na lang ako mula rito
habang pinagmamasdan kayong nagtatawanan.
Masakit man na ‘di n’yo na ako kasama,
tatanggapin na lang na hanggang dito na ako.
Masaya ka na wala na ako sa tabi mo.
Nais man na samahan kayo
ngunit batid kong ayaw mo, n’yo na ako.
Paalam aking kaibigan, hanggang sa muli.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoesieMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
