Sanay Na Ako
Sige lang, saktan n’yo ako.
Sanay na ako, totoo.
Diyan naman kayo magaling,
hindi ba ama, ina, kapatid?
Nasaan iyong sinasabi ninyong pagmamahal?
Bakit hindi ko na maramdaman?
Akala ko suportado n’yo ako sa lahat?
Kasalanan ko ba na sakitin ako?
Ayos lang na pagalitan n’yo ako.
Sanay na sanay na ako
kahit na sa loob ko’y durog na ako.
Konti na lang, ako’y susuko na.
Hindi ko alam kung sanay na ba talaga ako?
Napapagod na akong lumaban pa
kasi kahit pamilya ko na mismong kadugo ko
ay binibigyan ako ng rason para sumuko na.
Tama na, ako’y hapong-hapo na.
Nais ko na lamang magpahinga na.
Sawa na akong sabihing sanay ako
na masugatan... masaktan nang paulit-ulit.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
