Bagong Taon na Pala

2 0 0
                                    

Bagong Taon na Pala

Bagong taon na pala,
bagong mga pagsubok na naman.
Heto ako, magsusulat pa rin
at magbabasa ng akda ng iba.

Inaasam ko na makakatapos ako,
makakatapos na naman ng nobela
at sana makapagsulat na naman
ng iba pang mga tulang may kabuluhan.

Isa akong babaeng manunula(t)
na isa ring mambabasa.
Ang pagsusulat ay kasiyahan ko,
gayundin ang pagbabasa sa akda ng iba.

Sa bagong taon na ito,
ako’y tutuloy lang sa paglalakbay.
Hindi titigil sa pagsusulat
at pagsasaayos sa aking sarili.

Bagong taon na pala,
isang bagong simula na naman.
Mga pagsubok ay haharapin
sapagkat kasama ko Siya sa laban!

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon