Naliligaw

7 0 0
                                        

Naliligaw

Ako ba talaga ito?
Nawawala ako sa mundong ito
na puno ng kasinungalingan.
Nais kong mahanap ang katotohanan.

Nasaan na ang liwanag?
Bakit wala akong nakikita?
Inaasam ko ang kapayapaan
sa mundo kong magulo.

May tutulong kaya sa akin
para makalayo sa mundong ito?
May makakaintindi ba sa akin
at maniniwala sa aking kwento?

Patuloy akong naliligaw ng landas,
‘di ko alam kung saan papatungo.
Laging napapadpad sa lugar na
‘di ko mabatid kung kabilang ba ako.

Tula sa PapelMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon