Pambansang Bayani
“Kabataan ang pag-asa ng bayan.”
Naaalala mo ba ang kasabihang ito?
Iyan ang sinabi ng ating pambansang bayani
na si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda.Pluma’t tinta ang ginamit niyang sandata
upang ipaglaban ang bansang Pilipinas.
Ang mga nobela niya ang nagmulat sa sambayanan
sa mga katotohanang dapat nating malaman.Iniidolo ko siya sa larangan ng pagsusulat.
Siya ang nagbukas sa akin ng daan
tungo sa lugar na ako’y nabibilang.
Sa lugar ng mga manunulat.Hindi man ako gaanong makata
ngunit dahil sa kaniya’y ako’y mas natuto.
Naniniwala ako sa kaniyang kasabihan
at ito’y aking papatunayan kasama ng iba.Isa ako sa kabataang pag-asa ng bayan.
Sa pagsusulat, aking papatunayan na ako’y isa
upang ang sakripisyo ng ating bayani
ay kailanma’y hindi masasayang.

BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.