Hamong Kaharap
Trahedya sa buhay ko,
Kailan kaya hihinto?
Ako’y sobrang pagod na
At hindi ko na kaya.Pahirap nang pahirap
Ang hamon na kaharap
Na walang katapusan
At ‘di na makayanan.Susuko na ba ako
Dahil ako ay bigo?
O ako’y lalaban pa
Dahil may pag-asa pa.Gagawin ba ang tama
Kahit ito’y huli na?
Ipipilit ang mali
Kahit ‘di maaari.Oras ay tumatakbo.
Huwag ka nang huminto.
Ika’y magpatuloy na
Dahil may panahon pa.Gagawin na ang tama
Dahil hindi umubra
Ang salitang tama na
Dahil ika’y pagod na.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoésieMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.