Sanay Na

3 0 0
                                        

Sanay Na

Nananahimik na lang sa isang tabi,
kinikimkim ang nadaramang pighati.
Kasi sino ba talagang may pake?
Sila ba ay talagang nakakaintindi?

Lugmok na sa paghihirap na nararanasan
ngunit ayos lang kasi kaya pa naman.
Sanay na ang sariling nahihirapan
kaya pinipiling manahimik na lang.

Laging sinasabi sa iba na ayos ka
sa tuwing nagtatanong sila kung kumusta ka.
Ayaw mo kasi na sila ay mag-alala
dahil mas mahihirapan ka.

Nais man sabihin sa iba ang nadarama,
ang tunay na nararamdam pero ‘di kaya
dahil naiisip na may pake ba talaga sila?
Wala kang ibang pagpipilian kundi sabihin na,

                 “Ayos lang ako.”

  ...kasi sanay kang sinasarili ang problema.

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon