Lakas Ng Loob

13 0 0
                                    

Lakas ng Loob

Ang buhay ay puno ng pagsubok
na susubok sa katatagan ng isang tao.
Laging natutuliro sa mga nangyayari,
hindi alam kung tama ba ang ginagawa.

Nais na buhay ay wakasan,
ngunit hindi rin kayang gawin.
Tila ba nangangailangan pa ng lakas
upang maisagawa ang nais mangyari.

Tama pa nga bang lumaban pa?
Gustuhin mang lumaban ngunit pagod na.
Di alam kung saan kukuha ng lakas ng loob
upang kayanin ang mga hamon sa buhay.

Maaaring buhay mo ay wakasan na
ngunit paano na ang maiiwang pamilya?
Saan sila kukuha ng lakas ng loob
para indahin ang sakit na dulot ng pagpanaw mo?

Lakas ng loob ang kailangan
upang pagsubok ay iyong malampasan.
Gustuhin mo mang mawala na sa mundo,
ngunit kung ‘di mo pa oras ay manatili ka.

Mahirap nga talaga ang magdusa
dahil ang mundong ito’y puno ng pasakit.
Di sulosyon ang pagwawakas sa sariling buhay
kaya piliing maging matapang at harapin ang mga hamon.

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon