Tunay na Saya
Kailan ba mararamdaman
ligayang nais makamtan?
Tunay na saya, nasaan na ba?
May pag-asa pa bang ako’y sasaya?Sa isang iglap, biglang napangiti.
Hindi malaman ang dahilan ng ngiti
pero sa minutong ito, masaya ako.
Sayang ‘di maipaliwanag ng isip ko.Ako noon ay nag-aasam ng kasiyahan
at akala ko’y sa iba ko makukuha
pero hindi pala, sa sarili ko mismo.
Kailangan lang tanggapin ko ako.Ako’y magiging kuntento sa sarili ko
at sa mga bagay na mayroon ako.
Huwag ko na hangarin pang maging iba
kasi kailan man ay ‘di ako magiging sila.Mararamdaman lang pala ang saya,
sayang tunay na sa’yo mismo magmumula
kung sarili mo’y iyong tatanggapin
at matututunang mahalin nang husto.Huwag maghangad na maging iba
para lang ikaw ay sumayang tunay
kasi ang kasiyahan ay ang pagtanggap
sa kung ano ka at anong mayroon ka na.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.