Alam Ko
Alam kong nasasaktan ka.
Kita sa iyong mga mata ang lungkot
at pansin din ang iyong pagkatamlay.
Nadarama ko ang sakit na pasan mo.Alam ko napapagod ka na,
huwag mo nang itago pa.
Pansin ko at nadarama ko.
Pwede namang magpahinga ka muna.Alam ko nahihirapan ka
ngunit alam kong makakaya mo pa.
Nandito lang ako para tulungan ka,
tawagan mo lang ako’t darating na ako.Nais mong sumuko na lang
pero tandaang ‘di ka nag-iisa.
Pakiusap, magpatuloy ka pa
at ‘wag ituloy na buhay ay wakasan na.Alam ko at nararamdaman ko
ang mga pinagdaraanan mo
kaya nandito ako upang tulungan ka.
Magpakatatag ka pa, kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
ŞiirMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.