Ningning ng Bituin
Lahat na nagbago
Nawala na ang dating ako
Nag-iba na ang mundo ko
Dahil sa mga kalokohan moSana ‘di na nakilala
Isang taong tulad mo
Sana ‘di na naniwala
Sa mga kasinungalingan moSalamat na lang sa’yo
Ako’y lubos na natuto
Hindi lahat ay kagaya mo
Tunay nga na iba-iba ang taoAkala ko wala ng pag-asa
Pag-asang makakilala ng iba
Isang totoong kaibigan
Handa akong pakingganTanggap kung sino ako
Hindi ako hinuhusgahan
Iniintindi niya ako
Iba siya sa karamihanPagkakamali ko’y itinatama
Di nagsasawang ako’y payuhan
Laging kasama ko kahit saan
Kasiyahan ko’y kasiyahan niyaDumating man ang kadiliman
Ako’y inilalapit sa katotohanan
Sa oras ng aking pighati
Problema’y sa kanya sinasabiSalamat sa Diyos na dakila
Dumating ka sa buhay ko
Bumalik na ang dating ako
Dahil sa mga kabutihan moNagniningning tulad ng bituin
Sa gabing madilim
Tunay na kaibigan
Ika’y ‘di pababayaan
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.