Nagkukubli

2 0 0
                                    

Nagkukubli

Malalim na naman ang gabi.
Ako’y nakatitig sa kisame
habang nakahiga sa kama.
Pumapatak na rin ang mga luha.

Kahit mugtong-mugto na ang mga mata,
ito’y patuloy pa rin sa pagluha.
Nahihirapan na ngang huminga
kaya naisipang buhay ay tapusin na.

Sinubukang sakalin ang sarili
ngunit kamay ay nanghihina.
Tila nga ako’y nagsisisi,
Ito’y karapat-dapat ba talaga?

Sarili’y inilalayo sa mundo.
Nagkukubli at patuloy na nagtatago
dahil takot na makisalamuha sa iba
sa paniwalang ako’y huhusgahan nila.

Laging nagpapanggap sa harap ng mga tao.
Ngumingiti na parang laging masaya.
Tumatawa na para bang walang problema
ngunit laging may kirot sa puso.

Laging nakasuot ng maskara
upang takpan ang tunay na mukha.
Hanggang kailan ikukubli ang tunay na ako?
Ang tanong, “Sino nga ba ako?”

Sabi sa isang awitin
na hiram lang ang buhay ko.
Ipinagkaloob sa akin ito
ngunit ito’y tinatangka kong tapusin.

Ilang hakbang pa ba ang hahakbangin
upang marating ko na ang katapusan,
katapusan ng aking laging pagtatangka
na buhay ko’y wakasan na.

Itago ko man ang mukha ko sa madla
at patuloy na magpanggap sa harap nila;
Ikubli ko man ang tunay na nadarama
batid kong lahat ay alam Niya.

Oo nga’t nagkukubli ka sa mga tao
ngunit sa Kanya’y ‘di ka makakapagtago.
Tandaan mo sana kong sino ka.
Ika’y likha Niya kaya magpakilala ka.

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon