Aking Guro
Ako’y napadpad sa aming paaralan
at nakita ko ang isang guro
na labis kong hinahangaan.
Siya ang guro namin sa Filipino.
Napansin niya ako at siya’y ngumiti.
Naglakad ako palapit sa kaniya
nang may ngiti sa aking labi.
Ako’y kaniyang malugod na kinumusta.
Kami’y nagkumustahan at nagkwentuhan.
Hindi pa rin siya nagbabago,
siya pa rin ang guro kong palakwento.
Isa itong dahilan kung bakit ko siya hinahangaan.
Nang dahil sa kaniya’y ako’y nakapasa.
Oras niya ay kaniyang isinakripisyo noon
upang ako’y lubos na maturuan.
Bagsak kasi ako sa halos lahat ng asignatura ko.
Lubos akong nagpapasalamat sa kaniya.
Ipinaintindi niya sa akin
ang kahalagahan ng edukasyon.
Siya ang naging inspirasyon ko.
Hindi lang siya basta guro ko lang,
siya rin ay ang aking ina
na ako’y lubos na pinagtiyagahan
at pagmamahal niya’y ipinadama sa akin.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoesiaMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
