Mali at Tama
Ang mali ang laging napupuna.
Kung anong maling ginawa mo,
Iyon ang laging naaalala.
Natatabunan na ang mabuti mong gawa.Hindi pa rin sapat sa kanila
Na humingi ka ng pasensiya.
Hindi ba nila napuna ang mali rin nila?
Pinairal nila ang galit nila sa’yo.Imbes na pagpapatawad ang maghari,
Hinanakit ang siyang nangingibabaw.
Hindi nila batid na seryoso ka
At lubos na nagsisisi sa ginawa.Hindi ba nila alam na may rason ka
Kung bakit nagawa mo ang nagawa mo na?
Hindi ba nila naintindihan ang nais mong iparating?
Bakit pinaiiral pa rin nila ang galit sa’yo?Hindi naman sinadyang makanakit ng iba.
Tama naman din sigurong ginawa mo iyon.
Baka sakaling magising sila sa katotohanan
At mapagtanto kung ano ring nagawa nila.Sino ba ang tama at mali, ikaw ba o sila?
Parehong nagkamali pero sino ang tama?
Sino nga ba o ano — anong dapat na gawin?
Pagpapatawad ang siyang dapat pairalin.

BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoesíaMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.