Mapait Na Nakaraan
Hanggang kailan ko maaalala,
ang pait ng nakaraan.
Nais kong makalimot
pero nararapat ba talaga?
Parang kahapon lang ang pangyayari,
kung saan ako’y naiwan mag-isa.
Ako’y iniwanan ng aking pamilya
dahil sa isang trahedya.
Lubos na sinisi ang aking sarili.
Kung sana hindi ako nagpumilit,
baka kasama ko pa sila.
Naaksidente ang aming sinakyan.
Nagpumilit kasi ako na ako ang magmamaneho,
kaya kami nabangga sa isang puno.
Ako lang ang nakaligtas sa aksidente.
Sana namatay na lang din ako.
Gusto kong makawala sa karanasang iyon.
Ayaw kong maalala pa iyon.
Patawad aking ina, ama at kapatid.
Nahihirapan na ako sa sitwasyon ko.
Paano ako makakaalis sa nakaraan?
Paano ko mapapatawad ang aking sarili?
Ako’y hirap na hirap na.
Pait ng nakaraan, nais kong makalimutan.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoesieMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
