Kaibigang Manunulat

6 0 0
                                    

Kaibigang Manunulat

Isa kang manunulat, hindi ba?
Huwag mo nang itanggi pa.
Ang mga gawa mo’y magaganda.
Kaibigan, ika’y maniwala sana.

Mahusay ka sa paggawa ng istorya,
gayundin sa paghabi ng mga tula.
Ika’y aking lubos na hinahangaan
hanggang sa pagsusulat ay naging libangan.

Ikaw ang nagbigay inspirasyon sa akin
upang subukang magsulat din.
Salamat sa suportang iyong ipinakita.
Ako’y nabibigyan ng lakas na magsulat pa.

Ngunit mukhang hindi ko na maipagpapatuloy pa.
Nanghihina na ang aking buong katawan.
Ito na nga talaga ang huli kong tula.
Ako’y mawawala na sa mundong ito.

Mawala man ako ngunit hindi ang mga tula ko.
Ang mga isinulat ko’y mananatili rito
at sana magbibigay inspirasyon sa sinumang makakabasa.
Kaya ikaw, kaibigang manunulat, magsulat ka na muli.

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon