Ilusyon Lang

0 0 0
                                    

Ilusyon Lang

Mahal kita, maniwala ka.
Totoo ang aking sinasabi.
Mahal mo rin ako,
sana nga tama ako.

Sa mundong ito,
mahal natin ang isa’t isa.
Ito ang mundong puno ng ilusyon
tulad ng ating pag-iibigan.

Umaasa akong magkatotoo
itong panaginip na ito
na ako ang lumilikha.
Sana nga totoo na lang.

Ilusyon lang ang pagmamahal mo sa’kin.
Ako itong puno ng imahinasyon.
Ayos na sana kung totoo ka,
pero isa ka lang tauhan sa aking akda.

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon