Pasko Na

7 0 0
                                        

Pasko Na

“Maligayang pasko!”
Iyan ang bati nila.
Maligaya nga ba?
Kung ang isip mo’y gulong-gulo na?

“Tara, gala tayo!”
Pag-aanyaya nila.
Pupunta ka ba...
Kung ‘di ka naman sigurado?

Naiwan kang mag-isa.
Kasalanan mo naman, ‘di ba?
Umayaw ka sa anyaya.
Pero ano ang dahilan?

Masaya sila sa pasko
Pero ikaw ay nagluluksa.
Nagluluksa’t nanghihinayang
Sa desisyong ginawa.

Naising baguhin ang tadhana
Pero hindi mo ‘yan magagawa.
Natapos na ang mga pangyayari
At wala kang magagawa pa.

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon