Kailan?
Kailan ka huling tumawa?
Tumawa na walang iniisip na problema.
Kailan nila huling narinig ang iyong tawa?
Tawa na punong-puno ng saya.
Masasagot mo ba ang aking katanungan?
O, bakit ka ngayon umiiyak
na may halo pang halakhak?
Kailan ka nagsimulang maging ganyan?
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoesiaMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
