Buhos Ng Ulan

3 0 0
                                        

Buhos Ng Ulan

Sa pagbuhos ng ulan,
kasabay nito ang pagpatak
ng aking mga luha,
luhang kanina pa pinipigilan.

Sa gilid nitong kalsada,
nakaupo ako’t patuloy na umiiyak.
Walang pakialam sa sasabihin
ng kung sino mang nakakakita sa ‘kin.

Ganito ba talaga ang mundo?
Bakit napakadaya niya?
Nais ko lang naman na lumigaya
pero lungkot ang laging nadarama.

Itong ulan ang aking sandigan.
Ang pagbuhos niya’y aking kasiyahan
dahil tila ako’y dinadamayan niya
sa pighating aking nararanasan.

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon