Iba-iba
Kagustuhan namin ay iba-iba
at kami’y nagtatalo na!
Labis na ayaw ng iba
ngunit gustong-gusto ng isa.
Magkakapatid kami na laging nagtatalo,
hindi alam ang dapat na laruin.
Nais ng isa na siya’y masusunod
ngunit hindi papayag naman ang isa.
Naisipan na lang namin na magkanya-kanya
at laruin ang mga nais naming laruin
ngunit kami’y nagsawa rin agad.
Nais namin na may makalaro!
Tila himala na ata sa amin
na kami’y nagkasundo na sa isang laro.
Ito ay ang takbuhan sa kalye kahit maulan.
Dito ay labis kaming nalibang.
Ang sarap balikan ang nakaraan
ngunit napakasakit din palang maalala.
Ako na lang kasi mag-isa ang aalala
dahil namatay na sila sa giyera.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
