Filipino
Sa’n ka man naroon
Sa’n ka man isinilang
Sa’n ka man pumuntaSa paaralan, sa bahay
Pati na rin sa simbahan
Sa lahat Ng lugar
Sa’n ka man maglakbayFilipino, ating wikang pambansa
Wikang tagapag-isa natin
Wikang biyaya ng Diyos para sa atin
Ating paunlarin at huwag limutinKilala mo man o hindi
Katribu mo man o hindi
Wika ninyo’y iisa
Kayo’y nagkakaintindihanSambitin dito, sambitin doon
Gamitin sa pananaliksik
Iisang mithii’y makakamit
Sa pagtuklas natinFilipino, ating sariling wika
Wikang tagapag-isa ng mga Pilipino
Ating paunlarin pa’t ‘wag lilimutin
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.