Laban Lang
Nasa kwarto ka’t nag-iisip,
bakit ang buhay ay sadyang malupit?
Nais na mabuhay nang payapa
ngunit sunod-sunod ang mga pagsubok.Nais nang sumuko sa mga hamon
ngunit ipinagpapatuloy pa ring lumaban.
Hirap ka na ngunit kinakaya mo pa.
Para sabihin ko sa’yo, ang tibay mo!Sasapit man ang gabi na kay lungkot,
may liwanag namang sumisibol.
Ngumiti ka lang, ngiti lang nang ngiti.
Lilipas ang gabi, umaga nama’y darating.Huwag sumuko sa hamon ng buhay.
Maaaring magpahinga ka na muna,
pagkatapos ay ituloy ulit ang laban.
Liwanag ay mas lilinaw, laban lang!

BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoesíaMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.