Magsusulat Muli
“Magandang umaga ginoong aking irog,
ano’t tila parya ang iyong noo?
Nakikita ko na ika’y naguguluhan,
maaari bang malaman ang dahilan?”Ika’y napabuntong-hininga at nagwika,
“Nais kong magsulat muli ng mga tula
ngunit hindi ko alam kung paano magsisimula,
hindi rin maka-isip ng mga paksa.”Napangiti ako at tinabihan ka.
“Sawa ka na bang gawin akong paksa?
Bakit hindi mo subukang ang sarili mo naman?
O ‘di kaya’y ang mga nangyayari sa ngayon."Napalingon ka sa akin at sinabing,
“Maaari ngunit ako’y nag-aalinlangan,
baka ‘di magustuhan ng mambabasa ang aking akda.
Masasayang lang ang aking pinaghirapan.”“Hindi iyon masasayang dahil gawa mo iyan,
dapat din na ito’y iyong pahalagahan.
Mahusay ka sa paghabi ng mga tula
kaya ngayo’y simulan mong magsulat muli!"
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.