Sinong Nandiyan?
Sinong nandiyan para sa iyo
sa oras na kailangan mo ng karamay?
Sinong nandiyan para pakalmahin ka
sa oras na hindi ka mapakali?
Sa gabing madilim, sinong ilaw mo?
Sa mundong puno ng pasakit,
sinong nandiyan bilang sandigan mo?
Wala ba at palagi ka na lang nag-iisa?
Sa panahong naghihirap ka,
nasaan ang iyong pamilya?
Mga kaibigan mo ba’y nalalapitan mo?
Mananatili bang lugmok sa dilim?
Kailangan pa bang sumigaw
upang mapakinggan ka nila?
O nagawa mo na ito
pero hindi ka pinansin?
Ano pa bang saysay mabuhay
kung malulunod lang sa lungkot?
Sino ang sasagip sa iyo
kung ang sarili ay ‘di na kayang lumangoy?
Sino bang nandiyan upang tulungan ka?
Humingi man ng tulong sa iba
pero sila’y nagiging bulag sa nangyayari
at nagbibingi-bingihan sa sigaw mong saklolo.
Sino ba talagang nandiyan para sa iyo?
Sarili ba talaga’y lubos mong maaasahan?
Hindi... hindi mo na kayang lumaban pa
hanggang tuluyang napagod ka at sumuko na.
- January 23, 2024
Sinong Nandiyan?
Sinong nandiyan para sa iyo
sa oras na kailangan mo ng karamay?
Sinong nandiyan para pakalmahin ka
sa oras na hindi ka mapakali?
Sa gabing madilim, sinong ilaw mo?
Sa mundong puno ng pasakit,
sinong nandiyan bilang sandigan mo?
Wala ba at palagi ka na lang nag-iisa?
Sa panahong naghihirap ka,
nasaan ang iyong pamilya?
Mga kaibigan mo ba’y nalalapitan mo?
Mananatili bang lugmok sa dilim?
Kailangan pa bang sumigaw
upang mapakinggan ka nila?
O nagawa mo na ito
pero hindi ka pinansin?
Ano pa bang saysay mabuhay
kung malulunod lang sa lungkot?
Sino ang sasagip sa iyo
kung ang sarili ay ‘di na kayang lumangoy?
Sino bang nandiyan upang tulungan ka?
Humingi man ng tulong sa iba
pero sila’y nagiging bulag sa nangyayari
at nagbibingi-bingihan sa sigaw mong saklolo.
Sino ba talagang nandiyan para sa iyo?
Sarili ba talaga’y lubos mong maaasahan?
Hindi... hindi mo na kayang lumaban pa
hanggang tuluyang napagod ka at sumuko na.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoesíaMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
