Bato
Lubha kang magsisisi
Dahil sa ginawa mong mali
Kung 'di ka sana nanakit
Di mo matitikman ang paitPait ng paghihiganti
Mula sa naghihiganti
Taong lubos na sinaktan mo
Na ngayo'y maniningil sa'yoMali ka ng sinabi noon
Dahil masisilayan mo na ngayon
Ang bangis ng taong nilupitan mo
Na inakala mo ay walang laban sa'yoItaga mo ito sa bato
Ang tao ay nagbabago
Tulad ng isang bato
Na dahan-dahan nagbabago ng anyo

BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.