Disyembre 31
Matatapos na ang taong ito,
Taong puno ng mga damdamin—
Saya, lungkot, galit at iba pa.
Tila ba sariwa pa ang lahat.Ito ang taong maraming nangyari,
Mga pangyayaring ‘di inaasahan
Na siyang yumanig sa mundo ko—
Mundong inakalang payapa lagi.Ito ang taong nasaktan ako,
Nagdalamhati nang sobra
At nahirapang lumimot sa mga trahedya.
Nandito pa rin ang kirot sa aking loob.Nadurog man ang puso ko sa taong ‘to
Pero may dala pa rin siyang saya,
Sayang ‘di matutumbasan ng kahit ano
Sapagkat ito ay dulot ng katotohanan.Ito ang taong nagpalakas lalo sa akin.
Binigyan ako ng mga pagsubok
Na akala ko ‘di ko na malalampasan
Pero nakaya ko dahil sa Kanya.Nakaramdam man ng galit
Na dulot ng mga pasakit,
Pero ito’y naging simbolo ng katatagan
Na kahit mag-isa ka’y kaya mo.Matatapos na ang taong ‘to.
Marami mang nangyaring masakit,
Pero tayo’y sinubok lamang Niya.
Tayo’y magpasalamat sa Kanya.Ito ang huling araw ng taon
Pero hindi pa tapos ang lahat.
Marami pang mangyayari sa atin
Kaya tayo’y maghanda na kasama Siya.

BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PuisiMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.