Salamat, Magpatuloy Ka
Salamat sa mga payo mo,
Salamat sa pagpapalakas ng loob ko,
Salamat sa suportang ibinibigay mo sa akin,
Salamat sa pagigiging ikaw.Ipagpatuloy mo lang na sumulat.
Pahinga ka kung kinakailangan,
saka ka ulit sumulat kapag handa ka na.
Sabi mo magsusulat ka para sa sarili mo
dahil pagsusulat ang nagsisilbing karamay mo rin.Narito ako upang maging mambabasa mo.
Huwag kang mag-alala,
humahanga ako sa mga akda mo
at hanga rin ako sa iyo.
Maniwala ka, kahanga-hanga ka.Hindi tayo susuko ‘di ba?
Nangako tayo sa isa’t isa
kaya pwede bang laban lang?
Magkaramay tayong dalawa,
huwag mong isiping ika’y nag-iisa.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.