Sinasarili

2 0 0
                                        

Sinasarili

Alam mo ba?
Napapansin mo ba?
Nararamdaman mo na kaya?

Alam mo pero hindi ka sigurado.
Nais malaman kung anong totoo,
ayaw paniwalaan ang nangyayari sa’yo.
May nakapagsabi na sa’yo kung ano
pero hirap kang unawain ito.

Nahihirapan kang unawain,
siguro dahil ayaw mo.
Ayaw mong tanggapin ito.

Pagtanggi sa kung anong totoo.
Ano nga ba ang totoo?
Maski ikaw ay nalilito,
isipan mo’y gulong-gulo.
Alam mo na pero tinatanggi mo.

May nagtatanong sa iyo,
kung ikaw ay ayos lang ba?
Iba-iba ang iyong nagiging tugon
sa mga taong nagtatanong sa iyo.
Alin kaya sa mga sagot mo
ang totoo’t walang halong biro?

Nagtatanong sila kung ano bang problema.
Anong sagot kaya ang nais nila?
Kaya mo bang sabihin sa kanila,
ikwento ang mga kung anu-ano?
Nais mo man gawin pero natatakot ka,
may kung anong pumipigil sa iyo.
Minsan nagagawa mo
ngunit mayamaya ay tila nagsisisi ka.

Sinasarili mo na lang ang mga problema.
Nais mang humingi ng tulong sa iba
pero kapag nagawa mo na...
tila ayaw mo nang ituloy pa.
Gugustuhin mo na lang na huminto.

Pagiging makasarili kaya?
Kung buhay ay nais wakasan na
at hindi na susubukang humingi pa ng tulong.
Sarilihin nang sarilihin na lang ang problema
hanggang sa hindi mo na lubusang kaya.
Sasaktan na naman ang sarili
pero sinusubukang huwag din gawin.
Sa ginagawa mo, may nasasaktan ding iba.

Pagkakamali mo’y inuulit.
Kasalanan mo bang sarili’y ‘di napigilan?
May pagsisisihan ka na naman,
mayamaya’y luluha ka na naman.
Minsan ayaw mong umiyak,
luha mo nama’y kusang bumabagsak.
Nais mong matigil sa pag-iyak
pero mayamaya’y hihiling na sana umiyak ka.

Inilalayo mo ang sarili sa iba.
Tumatahimik na lang sa isang tabi,
nag-iisip nang malamin at napapatulala.

Pakiramdam mo mag-isa ka
pero hindi ka naman nag-iisa.
Nababalot ka ng lungkot at galit
na hindi mo na mawari kung saan nanggagaling.
Nararamdaman mo na lang
at ‘di malaman ang tunay na dahilan.

Hindi mo alam ang dapat na gawin,
lagi kang nawawalan ng gana sa lahat.
Alin ba ang dapat na unahin?
Nais na magpahinga na muna
pero nakakaramdam ka pa rin ng pagod.

Ang sakit at bigat na nadarama
ay pilit mong tinitiis.
Nagpapanggap na wala kang nadarama
ngunit hindi mo ‘yan maitatago pa,
ito’y mas lumalala na.

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon