Akala
Akala mo alam mo na ang totoo
ngunit hindi pa pala.
Akala mo sapat na ang nalaman mo
pero marami ka pa palang aalamin.
Inakala mong alam mo na lahat,
lahat ng katotohanan tungkol sa’yo.
Nagkwento ka pa nga sa iba ng tungkol dito
ngunit tila isang katha na ang iyong isiniwalat.
Ang sakit isipin na akala mo lang pala iyon.
Ngayon, nagsisisi ka na naikwento mo ito sa iba.
Ayos lang iyan, ‘di naman siguro sila nakinig ‘di ba?
Ngunit maaring akala mo lang ulit iyan.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoésieMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
