Pahahalagahan Ko
Ako’y isang kabataan,
hindi natatakot lumaban.
Ipapakita ang kakayahan
at ibabahagi ang kaalaman.Kapaligiran ay aking aalagaan.
Pagtatapon ng kalat sa kung saan-saan ay aking iiwasan
upang ang kapaligiran ay malinis tignan.
Ang kalat ko’y ilalagay sa tamang basurahan.Pagpapahalaga sa agrikultura’y aking paiiralin.
Produkto sa bansa’y aking tatangkilikin.
Ang pagkain na hinahain para sa akin
ay aking uubusin at ‘di sasayangin.

BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PuisiMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.