Samahan

3 0 0
                                        

Samahan

Unang taon ng samahan,
puro laro ang libangan.
Laging nagkakatuwaan
sa lahat ng kalokohan.

Ngunit lahat ay nagbago,
samahan nati’y naglaho.
Tuluyan ngang nagkalayo
ang ating mga prinsipyo.

Di na magkaintindihan
kaya ‘di na nagpansinan.
Hanggang dito na talaga?
Di ba pwedeng ayusin na?

Aking mga kaibigan,
sayang ang ating samahan.
Ako’y iiwan n’yo na ba?
Iiwan na ngang mag-isa.

Samahan nati’y wasak na.
Di na nga mabubuo pa
dahil mag-isa na ako
at pinagmamasdan kayo.

Masayang nagkwekwentuhan
at malakas ang tawanan.
Iyan ang bagong samahan
na hindi ako kabilang.

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon